1. Puno ay buku-buko, Dahon ay abaniko, Bunga ay parasko Perdegones ang mga buto.
Sagot: PAPAYA
2. Hindi tao, hindi hayop, May tainga’t may buhok.
Sagot: MAIS
3. Nagtanim ako ng dayap Sa gitna ng dagat, Marami ang nagsihanap Iisa lamang ang nagkapalad.
Sagot: PAGLILIGAWAN
4. Ang dalawa’y tatlo na Ang maitim ay puti na Ang bakod ay lagas na.
Sagot: MATANDA
5. Pantas ka man at maalam, Angkan ka ng mga paham Turan mo kung ano.
Sagot: PLANTSA
6. Bahay ni Ligaya Nalilibot ng mata.
Sagot: PINYA
7. Nagsaing si Hudas Kinuha ang hugas Itinapon ang bigas.
Sagot:GATA NG NIYOG
8. Maitim na parang uwak Maputing parang busilak, Walang paa’y nakalalakad At sa hari’y nakikipag-usap.
Sagot: LIHAM
9. Bumuka’y walang bibig Ngumingiti nang tahimik.
Sagot: BULAKLAK
10. Kung kailan ko pa pinatay Saka nagtagal ang buhay.
Sagot: KANDILA
11. Isda ko sa Mariveles Nasa loob ang kaliskis.
Sagot: ALIMANGO
12. Oo nga’t alimango Nasa loob ang ulo.
Sagot: PAGONG
13. Oo nga’t pagong Tubig ay iniinom.
Sagot: NIYOG
14. Oo nga’t niyog Nasa loob ang bunot.
Sagot: MANGGA
15. Oo nga’t mangga Kay daming mga mata.
Sagot: PINYA
16. Puno’y layu-layo Dulo’y tagpu-tagpo.
Sagot: BAHAY
17. May binti walang hita, May tuktok walang mukha.
Sagot: KABUTI
18. Malalim kung bawasan, Mababaw kung dagdagan.
Sagot: TAPAYANG MAY TUBIG
19. Nakaluluto’y walang init,Umaaso kahi’t malamig.
Sagot: YELO
20. Hindi tao, hindi ibon Bumabalik kung itapon.
Sagot: YOYO.
21. Eto na si bayaw Dala-dala’y ilaw.
Sagot: ALITAPTAP
22. Eto na si Kaka May sunong na dampa.
Sagot: PAGONG
23. Duwag ako sa isa Matapang ako sa dalawa.
Sagot: TULAY NA KAWAYAN
24. Tabla magkabila Alulod ang gitna.
Sagot: DAHON NG SAGING
25. Dalawang bolang maitim Malayo ang nararating.
Sagot: MATA
26. Nagtago si Pedro Labas ang ulo.
Sagot: PAKO
27. Bahay ni Goring-goring Butas-butas ang dingding.
Sagot: KULAMBO
28. Ang anak ay nakaupo na Ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: KALABASA
29. Alin sa mga ibon Ang di makadapo sa kahoy?
Sagot: PUGO
30. Gintong binalot sa pilak Pilak na binalot sa balat.
Sagot: ITLOG
31. Mga kaloobang pinaghalu-halo Na niluto sa init ng pagkakasundo.
Sagot: DINUGUAN
32. Ako’y may kaibigan Kasama ko saanman Mapatubig ay di nalulunod Mapaapoy ay di nasusunog.
Sagot: ANINO
33. Di naman isda, di naman itik Nakahuhuni kung ibig Maging sa kati, maging sa tubig Ang huni’y nakabubuwisit.
Sagot: PALAKA
34. Hugis puso, kulay ginto Mabango kung amuyin Masarap kung kanin.
Sagot: MANGGA
35. May puno walang sanga May dahon, walang bunga.
Sagot: SANDOK
36. Ako’y nagtanim ng granada Sa gitna ng laguwerta Pito ang puno at pito ang bunga Pitong pare ang nangunguha.
Sagot: MGA SAKRAMENTO
37. Walang itak, walang kampit Gumagawa ng bahay na ipit.
Sagot: GAGAMBA
38. Lumalakad walang paa Lumuluha walang mata.
Sagot: PLUMA
39. Dahong pinagbungahan Bungang pinagdahunan.
Sagot: PINYA
40. Nakalantad kung gabi Kung araw ay nakatabi.
Sagot: BANIG
41. Magkakabit na kutsilyo Gamit ng barbero.
Sagot: GUNTING
42. Binili ni Ina Isasabit lang pala.
Sagot: HIKAW
43. Isang butil na dilaw Kinalatan buong bahay.
Sagot: ILAW
4. Baong kinayuran Lama’y kayamanan.
Sagot: ALKANSIYA
45. Bumubuka’y walang bibig
Ngumingiti nang tahimik.
Sagot: BULAKLAK
46. May ulo, walang tiyan, May leeg walang baywang.
Sagot: BOTE
47. Pinilit na mabili Saka ipinambigti.
Sagot: KURBATA
48. Korona ni Andoy Sa ilalim nakalagay.
Sagot: DIKIN
49. Kabit-kabit na uling Tingna’t bibitin-bitin.
Sagot: DUHAT
50. Isang malaking suman Sandalan at himlayan.
Sagot: UNAN
51.Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot: ATIS
52. Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona
Sagot: BAYABAS
53. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
Sagot: SAGING
54. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: KASOY
55. May langit, may lupa, May tubig, walang isda.
Sagot: NIYOG
56. Bugtong: Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.
Sagot : Alkansiya
57. Bugtong: Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot : Anino
58. Bugtong: Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba.
Sagot: Bahaghari
59. Bugtong: Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig
60. Bugtong: Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila.
Sagot: Bituin
61. Dalawang mag kaibigan unahan ng unahan ng unahan.
Sagot: PAA
62. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
Sagot: langka
63. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
64. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
65. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
66. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
67. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
68. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
69. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
70. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
71. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
72. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
73. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
74. May bintana nguni't walang bubungan,
may pinto nguni't walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
75. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
76. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
77. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo
78. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata
79. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
80. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
81. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket
82. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: batya
83. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta
84. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola
85. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma
86. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: bote
87. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: sandok
88. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: kampana
o batingaw
89. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.
Sagot: bayabas
90. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.
Sagot: balimbing
91. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: posporo