Linggo, Marso 18, 2012

mga Bugtong


1. Puno ay buku-buko, Dahon ay abaniko, Bunga ay parasko Perdegones ang mga buto.
Sagot: PAPAYA
2. Hindi tao, hindi hayop, May tainga’t may buhok.
Sagot: MAIS
3. Nagtanim ako ng dayap Sa gitna ng dagat, Marami ang nagsihanap Iisa lamang ang nagkapalad.
Sagot: PAGLILIGAWAN
4. Ang dalawa’y tatlo na Ang maitim ay puti na Ang bakod ay lagas na.
Sagot: MATANDA
5. Pantas ka man at maalam, Angkan ka ng mga paham Turan mo kung ano.
Sagot: PLANTSA
6. Bahay ni Ligaya Nalilibot ng mata.
Sagot: PINYA
7. Nagsaing si Hudas Kinuha ang hugas Itinapon ang bigas.
Sagot:GATA NG NIYOG
8. Maitim na parang uwak Maputing parang busilak, Walang paa’y nakalalakad At sa hari’y nakikipag-usap.
Sagot: LIHAM
9. Bumuka’y walang bibig Ngumingiti nang tahimik.
Sagot: BULAKLAK
10. Kung kailan ko pa pinatay Saka nagtagal ang buhay.
Sagot: KANDILA
11. Isda ko sa Mariveles Nasa loob ang kaliskis.

Sagot: ALIMANGO
12. Oo nga’t alimango Nasa loob ang ulo.

Sagot: PAGONG
13. Oo nga’t pagong Tubig ay iniinom.

Sagot: NIYOG
14. Oo nga’t niyog Nasa loob ang bunot.

Sagot: MANGGA
15. Oo nga’t mangga Kay daming mga mata.

Sagot: PINYA
16. Puno’y layu-layo Dulo’y tagpu-tagpo.

Sagot: BAHAY
17. May binti walang hita, May tuktok walang mukha.

Sagot: KABUTI
18. Malalim kung bawasan, Mababaw kung dagdagan.

Sagot: TAPAYANG MAY TUBIG
19. Nakaluluto’y walang init,Umaaso kahi’t malamig.

Sagot: YELO
20. Hindi tao, hindi ibon Bumabalik kung itapon.

Sagot: YOYO.
21. Eto na si bayaw Dala-dala’y ilaw.


Sagot: ALITAPTAP
22. Eto na si Kaka May sunong na dampa.
Sagot: PAGONG
23. Duwag ako sa isa Matapang ako sa dalawa.
Sagot: TULAY NA KAWAYAN
24. Tabla magkabila Alulod ang gitna.
Sagot: DAHON NG SAGING
25. Dalawang bolang maitim Malayo ang nararating.
Sagot: MATA
26. Nagtago si Pedro Labas ang ulo.
Sagot: PAKO
27. Bahay ni Goring-goring Butas-butas ang dingding.
Sagot: KULAMBO
28. Ang anak ay nakaupo na Ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: KALABASA
29. Alin sa mga ibon Ang di makadapo sa kahoy?
Sagot: PUGO
30. Gintong binalot sa pilak Pilak na binalot sa balat.
Sagot: ITLOG
31. Mga kaloobang pinaghalu-halo Na niluto sa init ng pagkakasundo.
Sagot: DINUGUAN
32. Ako’y may kaibigan Kasama ko saanman Mapatubig ay di nalulunod Mapaapoy ay di nasusunog.
Sagot: ANINO
33. Di naman isda, di naman itik Nakahuhuni kung ibig Maging sa kati, maging sa tubig Ang huni’y nakabubuwisit.
Sagot: PALAKA
34. Hugis puso, kulay ginto Mabango kung amuyin Masarap kung kanin.
Sagot: MANGGA
35. May puno walang sanga May dahon, walang bunga.
Sagot: SANDOK
36. Ako’y nagtanim ng granada Sa gitna ng laguwerta Pito ang puno at pito ang bunga Pitong pare ang nangunguha.
Sagot: MGA SAKRAMENTO
37. Walang itak, walang kampit Gumagawa ng bahay na ipit.
Sagot: GAGAMBA
38. Lumalakad walang paa Lumuluha walang mata.
Sagot: PLUMA
39. Dahong pinagbungahan Bungang pinagdahunan.
Sagot: PINYA
40. Nakalantad kung gabi Kung araw ay nakatabi.
Sagot: BANIG
41. Magkakabit na kutsilyo Gamit ng barbero.

Sagot: GUNTING
42. Binili ni Ina Isasabit lang pala.

Sagot: HIKAW
43. Isang butil na dilaw Kinalatan buong bahay.

Sagot: ILAW
4. Baong kinayuran Lama’y kayamanan.

Sagot: ALKANSIYA
45. Bumubuka’y walang bibig 
Ngumingiti nang tahimik.

Sagot: BULAKLAK
46. May ulo, walang tiyan, May leeg walang baywang.

Sagot: BOTE
47. Pinilit na mabili Saka ipinambigti.

Sagot: KURBATA
48. Korona ni Andoy Sa ilalim nakalagay.

Sagot: DIKIN
49. Kabit-kabit na uling Tingna’t bibitin-bitin.

Sagot: DUHAT
50. Isang malaking suman Sandalan at himlayan.

Sagot: UNAN
51.Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot: ATIS
52. Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona
Sagot: BAYABAS
53. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
Sagot: SAGING
54. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: KASOY

 
55. May langit, may lupa, May tubig, walang isda. 


Sagot: NIYOG
56. Bugtong: Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.

Sagot : Alkansiya

57. Bugtong: Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

Sagot : Anino

58. Bugtong: Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba.

Sagot: Bahaghari 

59. Bugtong: Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Sagot: Banig

60. Bugtong: Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila.

Sagot: Bituin 
61. Dalawang mag kaibigan unahan ng unahan ng unahan.
Sagot: PAA

62. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.

Sagot: langka

63. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

Sagot: ampalaya
   
64. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.

Sagot: ilaw

65. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

Sagot: anino

66. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Sagot: banig

67. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Sagot: siper

68. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

Sagot: gamu-gamo

69. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

Sagot: gumamela

70. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

Sagot: kubyertos

71. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

Sagot: kulambo

72. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

Sagot: kuliglig

73. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.

Sagot: kulog

74. May bintana nguni't walang bubungan,
may pinto nguni't walang hagdanan.

Sagot: kumpisalan

75. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.

Sagot: palaka

76. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.

Sagot: kasoy

77. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

Sagot: paruparo

78. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.

Sagot: mga mata

79. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

Sagot: tenga

80. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Sagot: baril

81. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

Sagot: bayong o basket

82. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.

Sagot: batya

83. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

Sagot: kamiseta

84. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.

Sagot: saraggola

85. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.

Sagot: ballpen o Pluma

86. Nagbibigay na, sinasakal pa.

Sagot: bote

87. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.

Sagot: sandok

88. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.

Sagot: kampana o batingaw

89. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.

Sagot: bayabas

90. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.

Sagot: balimbing
91. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Sagot: posporo





8 komento:

  1. Marami akong natutunan ang daming mGa bugtong para sa aking assignment salamat

    TumugonBurahin
  2. Natuwa ako sa bugtong mo .mag papahula nanaman ako sa mga bata dito:) Sakit.info

    TumugonBurahin
  3. Salamat po sa mga bugtong dahil natapos ko ang proyekto ko :-)

    TumugonBurahin
  4. Bulaklak na hindi pinuputulan
    Nadala na hindi hinahawakan.

    Pakisagot po please

    TumugonBurahin
  5. JT Marriott Casino & Spa-Mohegan Sun Arena Tickets | JetXtra
    Buy cheap JT Marriott Casino & Spa-Mohegan Sun Arena tickets. Find JT Marriott Casino & Spa-Mohegan Sun 고양 출장안마 Arena venue concert and event schedules, Thu, Dec 16Big Easy Holiday 남양주 출장안마 PartyFri, 속초 출장마사지 Dec 포항 출장샵 17Party at 광명 출장샵 JW Marriott Las Vegas

    TumugonBurahin